22 November 2024
Calbayog City
National

Hanggang 26 na araw na pasok sa mga paaralan, nawala dahil sa mga bagyo at kalamidad

HANGGANG dalawampu’t anim na araw na pasok sa mga paaralan ang nawala bunsod ng suspensyon ng mga klase bunsod ng mga nakalipas na bagyo at iba pang mga kalamidad.

Batay sa consolidated data na inilabas ng Department of Education, halos lahat ng rehiyon sa bansa ay nakapagtala ng class suspensions o “school days lost” simula Agosto hanggang Oktubre.

Kabilang sa natural calamities na naging dahilan ng suspensyon ng mga klase ay masamang panahon dulot ng habagat at Taal Volcano smog noong Agosto; 

Gayundin ang pinaigting na habagat, at mga Bagyong Enteng, Ferdie, Gener, at Helen, pati na transport strike noong Setyembre; at mga Bagyong Julian, Kristine at Leon ngayong Oktubre.

Sa regional breakdown, ang mga eskwelahan sa CALABARZON ang pinaka-apektado ng mga nakalipas na kalamidad na nakapagtala ng 26 school days lost; sumunod ang Cagayan Valley at Central Luzon na kapwa mayroong 24; at Cordillera Administrative Region na nawalan ng 23 school days.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).