TINAYA sa mahigit isanlibong kabahayan, kasama ang ilang istruktura ang nilamon ng apoy sa Residential Area sa Sitio 6, Barangay Catmon, sa Malabon City.
Ayon kay Malabon Fire Marshal Supt. Errick Derro, pahirapan ang pag-apula sa sunog dahil sa lawak ng lugar subalit masikip ang mga eskinita at dikit-dikit ang mga bahay.
ALSO READ:
Higit 3,000 kilograms ng recyclable nakulekta ng MMDA sa iba’t ibang barangay sa Metro
Public school teachers sa Maynila matatanggap na ang kanilang allowance
Deputy representative minister ng TECO sinubukang sumakay ng MRT-3
Tulong sa mga empleyado ng nasunog na Landers Supermarket, siniguro ng Quezon City LGU
Umabot sa walong oras bago tuluyang naapula ang sunog na ikinasugat ng isang residente.
Patuloy pang inaalam ng arson investigators ang sanhi ng sunog, pati na ang halaga ng mga natupok na ari-arian.
