4 November 2025
Calbayog City
Metro

4, patay sa pagsalpok ng truck sa tatlong motorsiklo sa Ortigas Avenue

truck ortigas avenue

Apat ang patay, kabilang ang isang apat na taong gulang na lalaki, makaraang araruhin ng 16-wheeler truck ang tatlong motorsiklo sa kanto ng Ortigas ave. at Lanuza Ave., ayon sa Pasig City Police.

Tatlo sa mga nasawi ay miyembro ng isang pamilya, kabilang ang batang lalaki, habang ang isa pang biktima ay driver ng isa pang motorsiklo.

Sinabi ng Pasig Police na dalawang iba pa na nagtamo ng bali sa braso at tadyang ang sumasailalim pa sa gamutan, habang ang isa pang motorcycle rider ay na-discharge na mula sa ospital.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.