SINAMPAHAN ni Dating Manila Ex-Officio Councilor Leilani Lacuna ng kasong kriminal at administratibo si Manila Mayor Isko Moreno at iba pang mga opisyal ng lungsod.
Kaugnay ito ng umano’y iligal na pag-alis sa kanya bilang liga ng mga barangay president.
Naghain ng reklamo ang kapatid ni Dating Manila Mayor Honey Lacuna, sa Office of the Ombudsman laban kina Moreno, Vice Mayor Chi Atienza, at labintatlo pang mga opisyal noong Martes.
Inakusahan ni Lacuna ang mga opisyal ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Usurpation of Authority sa ilalim ng Revised Penal Code.




