TATLONG journalists ang patay, kabilang ang isang Lebanese reporter na nagtatrabaho para sa television network na pag-aari ng grupong Hezbollah, sa Israeli strike sa Lebanon.
Ayon sa Hezbollah-owned Al Manar Television, nasawi ang kanilang journalist na si Ali Shuaib sa Israeli strike kung saan tinarget ang kanyang sasakyan.
Inakusahan ng Israeli military si Shuaib na terorista na nag-o-operate sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang mamamahayag na nagsisiwalat ng mga okasyon ng Israeli soldiers sa Southern Lebanon.
Inilarawan naman ng Al Manar si Shuaib bilang “icon of resistance in media” sa kanilang report, kung saan inanunsyo ang pagkamatay ng mamamahayag.
Sinabi ng Committee to Protect Journalists (CPJ) na iniimbestigahan na nila ang pag-atake, kasabay ng pagbibigay-diin na ang mga journalist ay hindi lehitimong target, anuman ang outlet na kanilang pinaglilingkuran.




