NAGBABALA ang Department of Health sa publiko laban sa mga ipinapadalang mensahe na nagsasabing nakatanggap sila ng pera mula sa Zero Billing Plan ng DOH.
Sa abiso ng DOH, ipinakita nito kung paanong ginagamit ang Zero Billing Program ng gobyerno para lokohin ang publiko.
ALSO READ:
Nakasaad sa pekeng mensahe na may natanggap na cash ang isang indibidwal na bahagi ng Overpayment Refund nito sa ospital at maaari itong makuha sa kaniyang GCash.
Ang mensahe ay may kaakibat na link na kapag nai-click ay makokompromiso na ang mga personal na ang inyong impormasyon.
Paalala ng DOH, sa ilalim ng No Balance Billing Program ng pamahalaan, libre na ang mga serbisyo sa Basic Accommodation sa lahat ng DOH hospitals sa bansa.