NAMAHAGI ang Department of Trade and Industry (DTI) Leyte Provincial Office ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) business kits sa isandaan at labing apat na miyembro ng Integrated Peace and Development Workers’ Association (IPDWA) sa Baybay City, Ormoc City, at sa bayan ng Hilongos sa Leyte.
Ang naturang ayuda ay bahagi ng livelihood at peacebuilding efforts ng pamahalaan para sa mga residente ng mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan at rebeldeng grupo.
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Rehabilitasyon sa Carigara Port sa Leyte, sinimulan na ng PPA
Tacloban journalist, hinatulan ng guilty sa terrorism financing
Ang livelihood packages ay kinabibilangan ng sari-sari store kits, rice-retailing packages, at hog-raising starter kits para sa layuning suportahan ang income generation at economic recovery.
Sa mga benepisyaryo, 51 IPDWA members ay mula sa Baybay City; 23 mula sa Ormoc City; at 40 mula sa Hilongos.
