PINAGSANIB puwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng CALBAYOG CITY POLICE STATION sa pamumuno ni PLTCOL DINVIR L. REVITA, Chief of Police, kasama ang ibang unit ng operatiba, ang pag-aresto sa Top 7 Most Wanted Person Regional Level sa Brgy. Gasdo, Calbayog City bandang 8:45PM ng Abril 1, 2026.
Ang naaresto ay kinilalang si alias “Roberto”, 28 taong gulang at residente ng Brgy. Gasdo, Calbayog City na may standing warrant of arrest sa krimen na attempted Homicide na inisyu ni Hon. Myrna M Clemens, Acting Presiding Judge, Municipal Trial Court noong Setyembre 1, 2025 at may inirekomendang piyansa na Tatlongput anim na libong piso (Php 36,000.00) at paglabag sa Bagong Anti-Carnapping Act of 2016 ng RA 10883 na inisyu ni Hon. Maricar Lucero, Acting Presiding Judge, RTC, Branch 32, 8th Judicial Region Calbayog City Noong November 7, 2025 na may piyansa na Tatlong daang piso (300,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Samantala, nasa kustodiya na ng Calbayog CPS ang akusado para sa dokumentasyon at disposisyon bago i-turn over sa korte ng pinagmulan.
