TINIYAK ng Department of Education (DepEd) ang pagde-deploy ng mahigit 15,000 qualified passers sa national qualifying examination for school heads (NQESH) bilang mga principal sa bansa
Ito’y bilang tugon sa kakulangan ng school heads, na nasa 55 percent ng public schools na nag-o-operate ng walang principal, ayon sa second congressional commission on education (EDCOM II).
ALSO READ:
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Inihayag ni education secretary sonny angara na nagsilbing eye-opener ang naturang isyu, kasabay ng pag-amin na maraming paaralan sa bansa ang nag-o-operate ng walang utak, dahil ang mga principal aniya ang nagsisilbing utak ng paaralan.
Ayon sa DepEd, nasa 7,916 NQESH passers noong 2024 ang maaring makatulong upang mapunan ang mga bakanteng principal position.
