LIGTAS na nakalabas ng Israel ang dalawampung Pinoy at nakatawid na sa Taba Border Crossing patungong Egypt.
Ayon sa Philippine Embassy sa Israel, naisagawa ang paglilikas sa mga Pinoy sa pakikipagtulungan sa embahada ng Pilipinas sa Cairo.
ALSO READ:
Sa dalawampung inilikas na Pinoy, labing-anim ay pawang overseas Filipino workers.
Mula sa Egypt ay kukuhanin sila ng flight para makauwi na sa Pilipinas.
Sa kabuuan, sinabi ng embahada na umabot na sa tatlumpu’t siyam na Pinoy ang nailikas sa Israel, na ang iba ay mga na-stranded na turista, pilgrims, at estudyante.




