APATNAPU katao ang patay sa pag-atake ng Israel sa Eastern City ng Baalbek sa Bekaa Valley sa Lebanon.
Ayon sa Health Ministry, bukod sa mga nasawi ay mayroon ding limampu’t tatlo na nasugatan sa naturang israeli strike.
Una nang ipinag-utos ng Israeli Military sa mga residente na lisanin ang iba’t ibang lokasyon, para targetin ang Grupong Hezbollah.
Hindi naman naniniwala si Hezbollah Secretary General Naim Qassem na mapahihinto ng political action ang nagpapatuloy na digmaan.