LAHAT ng apatnapu’t siyam na pulis sa Bamban Municipal Police sa Tarlac ang inalis mula sa kanilang pwesto sa gitna ng imbestigasyon sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa naturang bayan.
Sa press conference, sinabi ni PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo na nagkaroon ng turnover ng bagong police personnel kahapon sa Bamban Municipal Police Station, na pinangunahan ni Police Regional Office 3 (PRO-3) Regional Director, Brigadier General Jose Hidalgo Jr.
Inilipat ang mga ni-relieve na pulis sa personnel holding and accounting unit at sasailalim sa reformation program.
Ayon kay Fajardo, ang replacements naman ay nagmula sa Regional Mobile Force Battalion 3, at sa mga kalapit na police stations.
Una nang sinuspinde ng Office of the Ombudsman ng hanggang anim na buwan si Bamban Mayor Alice Guo at dalawa pang lokal na opisyal, bunsod ng pagkakasangkot sa umano’y iligal na operasyon ng POGO sa nasasakupang bayan.