WALANG nakikitang dahilan si North Korean Leader Kim Jong Un para iwasan ang pakikipag-usap sa Amerika kung ititigil lamang ng Washington ang pamimilit na isuko ang kanilang nuclear weapons.
Binigyang diin ni Kim na kailanman ay hindi niya aabandonahin ang nuclear arsenal para makalaya sa sanctions.
Sa Report ng KCNA, sinabi ng North Korean Leader sa kanyang talumpati sa Supreme People’s Assembly na hanggang ngayon ay naaalala pa rin niya ang pag-uusap nila noon ni US President Donald Trump.
Magugunitang tatlong beses nag-usap ang dalawang leaders sa unang termino ni Trump bilang presidente.
Ginawa ni Kim ang pahayag matapos himukin ng bagong liberal government ng Seoul si Trump na pangunahan ang muling pagbubukas ng dayalogo kasama si Kim, anim na taon makaraang bumagsak ang peace talks bunsod ng sanctions at nuclear dismantlement.




