TARGET na mai-refer na sa House Justice Committee ngayong linggo o sa susunod na linggo ang unang impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay House public accounts panel chairperson Representative Terry Ridon tumatakbo na ang unang impeachment complaint habang magkakaroon naman ng aktwal na debate para sa ikalawang impeachment complaint.
ALSO READ:
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
Coast guard, ginunita ang ika-200 araw ng paghahanap sa “missing sabungeros”
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
Kabilang sa aalamin sa debate kung maituturing bang constructively filed ang second impeachment o kung mali ba na hindi ito tinanggap ng Office of the House Secretary General.
Ang unang impeachment complaint laban sa pangulo ay inihain ni Atty. Andre de Jesus at inindorso ni Pusong Pinoy party-list Representative Jett Nisay.
