WAGI si Kathryn Bernardo ng Most Influential Celebrity of the Year Award sa katatapos lamang na 11th Edukcircle Awards.
Nagpaabot ng pagbati ang Star Magic sa kanilang Most Bankable Star sa kanyang Latest Achievement sa Instagram.
Ang Edukcircle Awards na itinatag noong August 2011, ay nagbibigay ng pagkilala sa mga personalidad para sa kanilang kontribusyon sa Philippine Television.
Sa ngayon ay may nakakasang Project si Kathryn para sa kanyang pagbabalik sa telebisyon, na isang teleserye kasama si James Reid.