ISANG helicopter ng Philippine Air Force na nagsasagawa ng Humanitarian Operations para mga komunidad na naapektuhan ng Bagyong Tino ang bumagsak sa Agusan Del Sur.
Ayon sa Eastern Mindanao Command (EMC), patungo ang chopper sa Butuan City nang bumagsak sa bisinidad ng bayan ng Loreto.
Inihayag naman ng Philippine Air Force na nawalan ng komunikasyon sa Aircraft, kaya naglunsad sila ng Search and Rescue Operation.
Nagkasa na rin ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang dahilan ng aksidente.




