Gumastos ang international travelers ng 7 Billion Dollars o nasa 391 Billion Pesos sa Pilipinas simula Enero hanggang Oktubre ng taon, na nagtulak upang makaahon pa ang turismo mula sa epekto ng pandemya.
Ginawa ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang anunsyo sa Philippine Economic Briefing, sa San Francisco, California, kung saan inilatag ng Government Economic Managers ang investment opportunities sa bansa.
Ibinida ni Frasco na nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit 4.63 million international visitors, na kumakatawan sa 96 percent ng kabuuang target na 4.8 million ngayong 2023.
Ang ginastos ng mga dayuhang turista sa unang sampung buwan ng taon ay mas mataas ng 180 percent kumpara sa 2.5 billion dollars o 139.5 billion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong 2022.