ITINANGGI ni Buboy Villar ang alegasyon ng dating partner na si Angillyn Gorens na sinaktan niya ito at pinababayaan ang kanilang mga anak.
Sinabi ng komedyante na ikinagulat niya ang mga paratang ng dating girlfriend.
ALSO READ:
Maine Mendoza, inaming na-inlove kay Alden Richards sa kasagsagan ng kasikatan ng AlDub
P-Pop Group BINI nagsampa ng kaso laban sa hindi pinangalanang indibidwal
Bela Padilla, nagreklamo sa mataas na Tax na ipinataw ng Customs sa mga produktong binili niya sa online
Shaira Diaz at EA Guzman, ikinasal na matapos ang 12 taong pagiging magkasintahan
Aniya, batid niyang mali na manakit ng babae dahil nakita niya noon ang kanyang ama na sinasaktan ang kanyang ina.
Samantala, kaugnay naman sa hindi niya pagsustento sa kanilang mga anak, inihayag ni Buboy na napag-usapan na nila ito noon ni Angillyn nang legal at maayos nila itong naisara.