ASAHAN ng Minimum Wage Earners sa Calabarzon Region ang mas mataas na sweldo sa susunod na buwan.
Ito’y matapos aprubahan ng Regional Wage Board ang 25 pesos hanggang 100 pesos na umento sa Daily Minimum Wage sa Agriculture Workers;
30 pesos to 100 pesos na Increase para sa Non-Agriculture Workers; at 83 pesos para sa mga nagta-trabaho sa Retail and Service Estabishments may mga empleyado na hindi hihigit sa sampu.
Dahil dito, magiging 508 hanggang 525 pesos ang arawang sweldo sa Agriculture Sector; 525-600 pesos sa Non-Agriculture Sector; at 508 pesos sa Retail and Service Sector.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang Wage Order ay ipatutupad sa pamamagitan ng dalawang Tranches, o sa Oct. 5, 2025 at April 1, 2026.