UMAABOT nasa limampung libong illegal gambling sites ang nate-take down kada buwan batay sa datos ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC.
Ayon kay CICC Usec. Aboy Paraiso, patuloy ang pagkilos ng CICC at ng Department of Information and Communications Technology para mapigilan ang mga illegal gambling sites.
Partikular na tinututukan ng DICT at CICC ang mga reklamo laban sa mga illegal gambling ads na bigla na lamang nagpa-pop up habang nagba-browse ang mga gumagamit ng cellphone.
Samantala, sinabi ni Paraiso na magpapalabas sila ng show cause orders sa mga social media influencers na patuloy sa pagpo-promote ng illegal online gambling.
Bagaman may mga tumugon aniya sa kanilang panawagan na ihinto ang pag-promote sa ilegal na online sugal, ay mayroon pa ring nagmatigas sa kabila ng pakiusap ng pamahalaan.




