Sa pamamagitan ng 5th Peace and Quiet Culture and Arts Caravan, nabigyan ng platform ang mga young artist na ipakita ang kanilang mga talento sa paglikha ng sining na nagsusulong ng pagtatanggol at pangangalaga sa kalikasan.
Sinabi ni DENR Eastern Visayas Regional Executive Director Lormelyn Claudio, na ang limang araw na caravan na nagtapos kahapon ay bahagi rin ng pagdiriwang ng World Environment Month na may temang “Reviving Nature, Sustaining Life: Together We Restore.”
Inihayag ni Claudio na nais nilang maabot ang mga young artist dahil nais nila na ma-focus ang passion ng mga ito sa environmental protection and management.
Sa mga nakalipas na taon ay nakatutok ang event sa paghikayat sa mga kabataan na ibaling ang kanilang atensyon sa iba’t ibang uri ng sining upang makaiwas sa impluwensya ng mga rebelde at sa paggamit ng iligal na droga.
Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
Anti-Insurgency Projects, nakumpleto na sa Sogod, Southern Leyte
Mahigit 20 dating miyembro ng NPA, nakumpleto ang Skills Training sa Northern Samar
Publiko, binalaan laban sa pekeng Tower at Satellite CONNECTION Deals
