BUMUO ang Quezon City Government ng special inter-agency task force para matiyak na agad matutulungan ang mga Overseas Filipino Workers na residente ng lungsod at naapektuhan ng krisis sa Gitnang Silangan.
Nilagdaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Executive Order na lumilikha ng “Task Force AGAP–QC OFW” at inatasan ang Public Employment Service Office na pangunahan ang mga hakbang para matulungan ang mga uuwing OFW at kanilang pamilya.
Sa datos ng LGU, mayroong one thousand four hundred na residente ng QC na pawang nagtatrabaho o naninirahan sa Saudi Arabia, UAE, Kuwait, Qatar, Bahrain, Oman, Israel, Lebanon, at Jordan.
Maliban sa agarang repatriation, ang task force ay magkakaloob din ng psychosocial support, job matching opportunities, livelihood assistance, at iba pang tulong sa mga uuwing OFW.




