MARIING kinundena ng Philippine Army ang pagpaslang sa lady engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng isang sundalo sa Northern Samar.
Kasabay nito ay ang direktiba na agad hulihin ang tauhang sangkot sa krimen.
ALSO READ:
Kinumpirma ng 8th Infantry Division ng Army na isa sa kanilang aktibong sundalo ang sangkot sa pamamaril na ikinasawi ni Karen Del Valle, 25 anyos, engineer sa DPWH Northern Samar First District Engineering Office.
Nangyari ang pamamaril 8:45 ng umaga noong Lunes sa Barangay Dalakit, sa Catarman, na ikinasugat din ng bente tres anyos na kapatid na lalaki ng biktima.
Kinilala naman ang suspek na si Sgt. Jerome Lluz Tejero na umano’y live-in partner ni Del Valle.




