SA pagpapatuloy ng search and rescue operation sa mga nawawala pang pasahero ng lumubog na MV Trisha Kerstin 3, labing-isa pang labi ang narekober sa katubigang sakop ng Baluk-Baluk Island, Basilan.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesperson, Captain Noemie Cayabyab, maliban sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor, tumulong na din sa operasyon ang mga residente, mangingisda, at ang mga kaanak ng mga nawawalang pasahero.
ALSO READ:
Ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office – Basilan naman ang gumagawa ng proseso para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga narekober na bangkay.
Samantala ayon kay Cayabyab, nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matiyak ang kabuuang bilang ng mga pasaherong sakay ng lumubog na barko.




