KINUMPIRMA ng Department of Public Works and Highways ang pagkasawi ng isang empleyado nito sa Region 8.
Ayon sa pahayag ng DPWH – Region 8, nasawi ang kanilang tauhan sa insidente na nangyari sa Barangay Dalakit, Catarman, Northern Samar.
ALSO READ:
Kinondena ng ahensya ang insidente ng karahasan at nagpaabot din ng pakikiramay sa naulilang pamilya ng biktima.
Hindi naman binanggit ng ahensya ang pagkakakilanlan ng nasawing tauhan.
Ayon sa Northern Samar Police Provincial Office, ang babaeng biktima kasama ang kaniyang kapatid na lalaki ay binaril ng suspek na natukoy na isang aktibong miyembro ng Philippine Army.
Nagsasagawa na ng hot pursuit operations ang pulisya para maaresto ang suspek.




