NAKALAYA na ang driver ng kotse kung saan tumama ang isang estudyante matapos mahulog mula sa platform area ng FPJ LRT-1 Station sa EDSA Northbound.
Ayon sa pahayag ng Quezon City Police District, batay sa kuha ng CCTV, walang kapabayaan sa panig ng driver.
ALSO READ:
Sa kabila nito, nakipag-cooperate sa mga awtoridad ang driver at inilagay pa rin sa police custody bilang bahagi ng standard operating procedures na sinusunod ng Philippine National Police sa mga insidente na mayroong nasawi.
Ayon sa QCPD, nag-execute ng notarized letter ang ama ng nasawing estudyante na hindi sila magsasampa ng kaso laban sa driver.
Dahil dito, pinalaya na mula sa kostodiya ng Traffic Sector 6 ang driver, hapon ng 4:10 PM today, February 12, 2026.




