NAKIPAGPULONG si North Korean Foreign Minister Choe Son Hui sa Top Diplomat ng China na si Wang Yi sa Beijing sa ikalawang pagbisita nito sa kabisera ng bansa sa loob lamang ng isang buwan.
Sa pahayag ng Chinese Foreign Ministry, tiniyak ni Wang kay Choe na handa ang China na palakasin ang koordinasyon at kooperasyon sa Democratic People’s Republic of Korea sa International at Regional Affairs.
Ayon sa mga analyst, nais ni North Korean Leader Kim Jong Un na bumalik sa World Stage.
Una nang bumiyahe ang Reclusive Leader kasama si Choe sa Beijing noong unang bahagi ng Setyembre para dumalo sa malawakang Military Parade, kung saan inimbitahan din ni Chinese President Xi Jinping si Russian President Vladimir Putin.




