12.2 MILLION PESOS na halaga ng produktong petrolyo ang kinumpiska ng mga awtoridad habang dalawampu’t anim na indibidwal ang inaresto sa San Juan, Batangas.
Nasamsam din ng pinagsanib na pwersa ng Batangas Provincial Unit at Calabarzon Regional Office, San Juan Municipal Police Station, Bureau Of Customs, at Philippine Coast Guard ang mga kagamitan na ginagamit sa iligal na aktibidad.
ALSO READ:
2026 Budget ng DPWH, puno pa rin ng Kickback – Cong. Leviste
Pangulong Marcos ininspeksyon ang Camalaniugan Bridge Project at pinasinayaan ang Water Impounding sa Cagayan
Public Access sa SALN, iniutos ni Ombudsman Remulla
Mayorya ng mga Pinoy, galit sa maanomalyang Flood Control Projects – OCTA Survey
Nadiskubre at nasamsam sa operasyon sa subukin port, sa Batangas, ang anim na straight truck tankers, apat na trailer trucks, isang straight truck at isang fishing vessel.
Batay sa report, kinonvert ang bangka sa tanker na may kargang dalawandaanlibong litro ng petrolyo.