NAGULAT si Angel Canino nang tanghalin siya bilang Best Opposite Spiker sa katatapos lamang na 2024 AVC Challenge Cup.
Lalo na’t hindi ito ang kanyang natural playing position dahil madalas siyang naglalaro bilang outside hitter at mayroon pang ibang mga magagaling na opposite spikers.
ALSO READ:
Karl Eldrew Yulo, pasok sa Floor Exercise at Horizontal Bar Finals sa Cairo Leg ng Gymnastics World Cup
Ranking ni Alex Eala sa WTA, bumagsak sa No. 45
Olympic women’s sport, lilimitahan sa ‘biological females’
Manny Pacquiao, nagsimula nang mag-training, limang buwan bago ang rematch laban kay Floyd Mayweather JR.
Sinabi ni Canino na hindi niya inaasahan ang award na hindi naman talaga niya hinabol.
Pinasalamatan naman ng Pinay Volleyball Player ang kanyang teammates sa Alas Pilipinas at Coaching Staff sa natamo niyang karangalan.
Nagtapos ang Alas Pilipinas sa ikatlong pwesto matapos padapain ang Australia sa bronze medal match.
