20 February 2026
Calbayog City
Sports

Gilas players, malapit ng makumpleto sa training sa inaasahang pagdating ni Quentin Millora-Brown

PATUNGO na sa Manila si Quentin Millora-Brown para makasama sa Gilas Pilipinas, sa harap ng paghahanda ng national team para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ito ang inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), matapos direktang makausap si Millora-Brown at ang pamilya nito.

Si Millora-Brown ay nasa Japan, kung saan naglalaro siya para sa Chiba Jets, habang nagsimula na ang Gilas sa training para sa nalalapit na FIBA Window.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).