INARESTO ng mga otoridad ang Social Media Personality na si Diwata o Deo Balbuena sa totoong buhay, dahil sa isinampang slight physical injuries laban sa kanya noon pang 2018.
Ayon kay Pasay City Police Spokesperson, Police Capt. Mark Jun Anaviso, dinakip si Diwata noong Martes ng umaga sa bisa ng arrest warrant.
Agad din namang nagpiyansa ang street food sensation sa halagang tatlunlibong piso.
Sumikat si Diwata dahil sa kanyang itinitindang Unli Pares sa Pasay City.