TINIYAK ni Xyriel Manabat na hindi niya palalampasin ang pambabastos ng nasakyang Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver.
Kasunod ito ng malaswang komento ng TNVS driver na nag-post sa social media ng selfie nila bago bumaba ng sasakyan ang young actress.
ALSO READ:
Umaasa si Xyriel na aaksyunan ng mga nasa likod ng ride-hailing app ang hindi katanggap-tanggap na behavior ng kanilang driver.
Aniya, hindi dapat maranasan ng sinumang babae ang ganitong pambabastos.
Nag-viral ang post ng naturang TNVS driver kung saan malaswa ang naging palitan ng mensahe sa comment section, partikular sa dibdib ng young actress.




