NAKATAKDANG umalis si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Abu Dhabi sa United Arab Emirates sa susunod na Linggo para sa isang working visit.
ALSO READ:
NACC, umapela sa socmed platforms na maging mas mahigpit kontra online baby selling
Paratang ng mga nagpakilalang ex-marines, itinanggi ni Ombudsman Remulla
Ika-2 impeachment complaint vs VP Sara, iniatras ng Tindig Pilipinas
Pinay, nasawi sa missile attack sa Israel; DND tiniyak ang kahandaan na ilikas ang mga Pinoy sa Gitnang Silangan
Ayon kay Palace Press Officer Assistant Secretary Atty. Claire Castro, isang Memorandum of Understanding sa defense cooperation ang pipirmahan sa pagitan ng Pilipinas at UAE.
Aniya, dadalo rin ang pangulo sa Abu Dhabi sustainability week.
Idinagdag ni Castro na lalagdaan din ng Pilipinas at UAE ang Comprehensive Economic Partnership Agreement.
