5 July 2025
Calbayog City
Provincial

9 na Chinese nationals arestado sa sinalakay na scam hub sa Cebu

chinese nationals

Arestado ang siyam na Chinese nationals sa operasyon ng Philippine offshore gaming operator (Pogo) sa Cebu.

Ayon sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), sinalakay ang scam hub sa Alang-alang, Mandaue City makaraang mailigtas ang isang Pinay mula sa nasabing pasilidad.

Ang babaeng biktima at isa pang Pinoy na nagtatrabaho sa pasilidad ay pinwersa umanong manatili  sa loob ng opisina ng labag sa kanilang kalooban kung saan pinilit silang magtrabaho sa scam hub.

Ayon sa CIDG lahat ng nadakip na Chinese ay walang naipakitang pasaporte at balidong dokumento ng pannaatili nila o pagtatrabaho nila sa bansa.

Natagpuan din sa hub ang dalawampu’t isang (21) desktop computers, apatnapung (40) cellular phones, isang (1) tablet at iba pang kagamitan na dadalhin sa Anti-Cybercrime Group para sa forensic examination.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).