AABOT sa walo punto isang milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa nasakoteng high-value drug suspect sa bayan ng Liloan, sa Cebu.
Ayon kay Police Brig. Gen. Anthony Aberin, hepe ng Police Regional Office 7, nasamsam mula sa bente uno anyos na lalaking suspek ang nasa isa punto dalawang kilo ng shabu.
Sinabi ni Aberin na ang pagdakip sa drug suspect ay bunga ng ilang linggong intelligence work.
Pansamantalang ikinulong ang lalaki sa Custodial Facility ng Liloan Police habang inihahanda ang mga dokumento para sa paghahain ng drug charges laban sa kanya.