TATLONG US F-15 fighter jets ang pinabagsak ng air defence ng Kuwait matapos mapagkamalang kalaban ang mga ito.
Ayon sa US Central Command, ligtas naman ang lahat ng anim na crew at pawang stable ang kondisyon matapos silang makapag-eject sa aircraft.
ALSO READ:
Pope Leo nanawagan ng responsableng dayalogo at itigil ang karahasan sa Middle East
Pope Leo, bibisita sa 4 na African countries sa Abril
Mahigit 20 katao, patay sa pananalasa ng malakas na ulan sa Brazil
Mexico, nagdeploy ng libu-libong sundalo para matigil ang karahasan kasunod ng pagkamatay ng drug lord
Ito ang unang pagkakataon na pagpapabagsak sa aircraft ng US mula nang ilunsad ang US-Israeli war laban sa Iran noong Sabado.
Sinabi ng CENTCOM na inako naman ng Kuwait ang pagkakamali at tiniyak na nagsasagawa na ito ng imbestigasyon sa insidente.
