Inianunsyo ni Naval, Biliran Mayor Gretchen Espina na kanselado ang Higatangan Island Summer Festival ngayong taon sa gitna ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo.
Sinabi ni Espina na ang kanilang desisyon ay kasunod ng deklarasyon ng State of National Energy Emergency, dulot ng pagkakaantala ng supply ng langis na iniuugnay sa nararanasang krisis sa Middle East.
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Responsible pet ownership, pinaigting pa sa Tacloban City
DOLE Region 8, planong magdaos ng karagdagang job fairs para sa mga nawalan ng trabaho sa imprastraktura
Kahalagahan ng Laoang Islets sa ancient trade, binigyang-diin ng National Museum
Batay sa datos mula sa Local Government Unit, umakyat na sa average na P50 per liter ang itinaas sa oil products sa pagitan ng March 9 at 23.
Posible pa umano itong lumobo hanggang sa P150 per liter sa itinakdang petsa ng festival simula April 30 hanggang May 3.
Ipinaliwanag ng alkalde na malaki ang magiging epekto nito sa transportation expenses, kabilang na ang mas mataas na presyo ng ticket, kaya hindi gaanong mapupuntahan ng mga pamilya ang event.
Sa halip na ituloy ang tatlong araw na selebrasyon, inihayag ni Espina na bibigyang prayoridad ng lokal na pamahalaan ang long-term tourism development.
Kabilang dito ang planong pagtatayo ng “Kan-anan sa Isla” na isang year-round food and livelihood hub para sa mga lokal na residente na naglalayong lumikha ng sustainable income opportunities habang pinagbubuti ang sebisyo para sa mga turista.
