Tinutukoy na ng Department of Labor and Employment ang bilang ng mga manggagawa sa Central Visayas na naapektuhan ng bagyong Tino.
Nagsagawa na ng assessment ang rapid response team ng DOLE Central Visayas sa mga kumpanya sa rehiyon para mailatag ang ipagkakaloob na tulong sa mga manggagawa.
Ayon kay Regional Director Atty. Roy Buenafe, sa Danao City nakapagtala ng 300 establishments na naapektuhan; 130 sa Compostela, at 65 sa Liloan.
Patuloy ang ginagawang pag-validate ng DOLE sa mga datos at siniguro ang pagkakaloob ng karampatang tulong sa mga manggagawa na naapektuhan ang hanapbuhay at ilang araw na hindi nakapagtrabaho dahil sa epekto ng bagyo.




