NAGPAPAKITA si Pope Francis ng “good response” sa kanyang gamutan sa ospital para sa double pneumonia at unti-unting bumubuti ang kanyang overall condition, ayon sa Vatican.
Ang walumpu’t walong taong gulang na Santo Papa ay mahigit tatlong linggo na sa Gemelli Hospital sa Roma, matapos isugod bunsod ng severe respiratory infection na kinailangan ng tuloy-tuloy na panggagamot.
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Sa pinakahuling medical bulletin, nakasaad na hindi na nilagnat ang Holy Father at nananatiling stable ang kanyang blood tests.
Bagaman sinabi ng mga doktor na nakikita nila ang gradual at slight improvement sa overall condition ni Pope Francis, nananatili ang kanilang guarded prognosis upang matiyak na ang bumubuting lagay ng Santo Papa ay magpapatuloy sa mga susunod na mga araw.
