SINIMULAN nang palawigin ng MRT-3 ang kanilang panggabing operasyon tuwing weekdays.
Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na maraming tren ang ide-deploy kapag peak hours para sa mas mabilis na biyahe ng mga pasahero.
ALSO READ:
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Sa advisory, simula kagabi, ang entrance closing sa North Avenue Station ay 10:25 p.m. habang sa Taft Avenue ay 11:04 p.m.
Aalis naman ang unang MRT-3 trains sa mga nabanggit na istasyon ng 4:30 a.m. at 5:05 a.m.
Ang extended operating hours ay ipinatupad isang linggo matapos itong ipag-utos ni DOTr Secretary Vince Dizon nang mag-inspeksyon ito sa Taft, Ayala at Shaw Boulevard Stations noong March 17.