10 March 2025
Calbayog City
Overseas

Mahigit 10, patay sa pag-atake sa isang military base sa Pakistan

Pakistan Violence

DALAWANG suicide bombings ang bumasag sa pader sa isang military base sa Northwestern Pakistan bago sugurin ng mga attacker ang compound na ikinasawi ng labindalawa katao at ikinasugat ng tatlumpung iba pa.

Inako ng grupong Jaish Al-Fursan na may kaugnayan sa Pakistani taliban ang pag-atake sa Bannu, sa Khyber Pakhtunkhwa Province, kung saan pinaslang ang ilang miyembro ng Pakistani Security Forces.

Dalawang suicide bombers ang pinasabog ang kanilang mga sarili malapit sa pader ng military area, at saka pumasok ang nasa lima hanggang anim na attackers.

Nangyari ang pag-atake, paglubog ng araw, habang nagpapahinga ang mga muslim sa kanilang pag-aayuno, ngayong banal na buwan ng ramadan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).