NAKATAKDANG sumabak si Alex Eala sa dalawang WTA 125 Tournaments sa mga susunod na linggo.
Matapos ang kanyang Quarterfinals Exit mula sa SP Open, sasabak ang Pinay tennis star sa Jingshan Tennis Open sa China.
Gaganapin ito sa Sept. 22 hanggang 28.
Pagkatapos nito ay magtutungo ang World No. 57 sa Suzhou, China para sa Suzhou WTA 125 na idaraos simula sa Sept. 29 hanggang Oct. 5




