20 February 2026
Calbayog City
Local

Load limit sa mga kalsada sa Eastern Samar, ihihirit ng kongresista

PINAG-aaralan ni Eastern Samar Lone District Rep. Christopher Sheen Gonzales na magpatupad ng mga hakbang upang malimitahan ang pagdaan ng mabibigat na truck sa kahabaan ng mga highway sa lalawigan.

Ito’y bilang tugon sa mabilis na pag-deteriorate o paglala ng kondisyon ng mga kalsada bunsod ng pagdami ng mabibigat na sasakyan sa mga nakalipas na buwan, na personal niyang na-obserbahan.

Ang pagdami ng dumadaang truck ay iniuugnay sa load limit na ipinatutupad sa Calbiga Bridge sa Samar.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).