NAGPADALA umano ng “feelers” si Dating Ako Bicol Party-list Rep. Zalcy Co sa mga pari para sa isang dayalogo, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.
Sinabi ni Remulla na siniseryoso nila ang impormasyon at kung gustong makipag-dayalogo ay kakausapin nila, subalit kung panunuhol ang pakay ay huwag nalang.
ALSO READ:
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
Coast guard, ginunita ang ika-200 araw ng paghahanap sa “missing sabungeros”
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
Nilinaw ng kalihim na dialogue pa lang ang hirit ni Co, at hindi pa alam kung bakit humihingi ito ng meeting.
Idinagdag ni Remulla na hindi pa verified ang impormasyon na tila nagpasalin-salin lang ang mga salita hanggang sa makarating sa kanila.
Si Co na pinaniniwalaang nasa Portugal ay may kinakaharap na Warrant of Arrest kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
