AMINADO ang United People’s Initiative na may nagawa nga silang paglabag sa idinaos nilang pagkilos sa People Power Monument noong November 17.
Ito ay matapos na hindi na aprubahan ng Quezon City Department of Public Order and Safety ang hirit na permit ng grupo para sa panibagong rally dahil sa paglabag sa isinasaad sa kasunduan sa pagbibigay sa kanila ng permiso.
PNP-DEG, nanindigang lehitimong shootout ang nangyaring Buy-Bust sa Quezon City
Hanggang 30% ng Metro Manila, malulubog sa baha pagsapit ng 2040, ayon sa pag-aaral
Babae, sugatan matapos mabagsakan ng drone sa ulo, sa Anti-Corruption Protest sa EDSA People Power Monument
MMDA naka-monitor sa mga lansangan sa Metro kaugnay ng INC Rally
Ayon kay UPI Secretary General Retired Capt. Rey Valeros masyadong mataas ang emosyon lalo na ng mga lumahok sa kanilang rally at hindi aniya apigilan ang damdamin ng taumbayan.
Ani Valeros, isa sa nakasaad sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng UPI at Quezon City DPOS ay dapat walang mga pronouncement kagaya ng ‘BBM resign’ o anumang aksyon na maaaring maiugnay sa sedisyon. Sa idinaos na rally, ilang lumahok ang sumigaw ng “Marcos resign,” at may mga invited speakers din ang humikayat sa Armed Forces of the Philippines na mag-withdraw ng suporta kay Pangulong Marcos.
