NAGLAAN ang Department of Science Technology (DOST) ng animnaraang milyong piso para sa nationwide implementation ng project Smarter Approaches to Reinvigorate Agriculture as an Industry (SARAI) sa loob ng apat na taon.
Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr., ang four-year project na nagsimula noong second half ng 2025 ay bahagi ng overall big-ticket program ng ahensya sa ilalim ng Smart Agriculture Initiative.
Nagtungo si Solidum sa Eastern Visayas para ilunsad ang iba’t ibang projects sa Southern Leyte at buksan ang regional hub para sa SARAI sa Regional DOST Office sa Palo, Leyte.
Nagtatag ang DOST ng SARAI hubs sa lahat ng rehiyon sa buong bansa upang pagtibayin ang project coordination kasama ang mahahalagang national government agencies, Local Government Units, at farmer cooperatives.




