BINIGYANG diin ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na hindi maaring pakialaman ng China ang bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan dahil internal affair ito sa pagitan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Teodoro na ang Reciprocal Access Agreement (RAA) ay kasunduan ng Pilipinas at Japan kaya hindi ito dapat panghimasukan ng China.
Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos sabihin ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lin Jian na ang kooperasyon ng dalawang bansa ay hindi dapat maliitin ang pagkakasunduan at tiwala sa pagitan ng ibang mga bansa sa rehiyon.
Nilagdaan ng Pilipinas at Japan ang RAA na naglalayong paigtingin ang defense cooperation sa pagitan ng dalawang bansa sa gitna ng umiinit na tensyon sa South China Sea.