NASAWI sa pamamaril ang standup comedian na si Gold Dagal sa Angeles City, sa Pampanga.
Batay sa Police Report, nakaupo sa loob ng isang beer house ang trenta’y otso anyos na biktima nang lapitan ng isa sa tatlong suspek at pinagbabaril saka tumakas.
Isinugod si Dagal sa Angeles University Foundation Medical Center, subalit ayon sa kanyang ina, ay binawian ito ng buhay, siyam na oras matapos itong barilin.
Sinabi ni ginang Jocelyn Cruz na binaril sa mukha ang kanyang anak na naging dahilan ng pagkamatay nito.
Naniniwala ang ginang na posibleng na-offend sa joke ng kanyang anak ang nasa likod ng pamamaslang.