MULING nagbuga ng abo ang Mt. Kanlaon hapon ng Miyerkules, March 25.
Ayon sa Phivolcs, 4:54 ng hapon nang maitala ang ash emission mula sa summit crater ng bulkan.
ALSO READ:
Ang ibinugang grayish plumes ng bulkan ay umabot sa 600 meters ang taas.
Nakuhanan ang aktibidad sa pamamagitan ng IP camera na nasa Kanlaon Volcano Observatory.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa Mt. Kanlaon.




