Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Rizal dahil sa malawak na pinsala ng Bagyong Crising at Habagat.
Ayon kay Rizal Gov. Nina Ynares ang paghsasailalim sa state of calamity at base na rin sa rekomendasyon ng Rizal Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.
Sinabi ni Ynares na inaasahang mas mapabibilis at mas mapapalawak ang relief operations upang matiyak na maihahatid ang agarang tulong at suporta sa mga naapektuihang residente.
Ang lalawigan ng Rizal ay kinapapalooban ng labingtatlong (13) munisipalidad at isang (1) lungsod.